ONLINE GAMING NAGLIPANA

NAIS busisiin ni Senador Joel Villanueva ang mga naglipanang online gaming sa bansa.

Ito ay kasabay ng isyu ng pagtalakay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2 sa Senado.

Sinabi ni Villanueva na kung tatalakayin sa Senado ang TRAIN 2 ay sisilipin niya ang katakot-takot na incentives at exemptions na ibinibigay ng pamahalaan sa mga online gaming sa bansa na pinatatakbo ng banyaga.

Inihalimbawa ng senador ang mga gusali at condominium na malapit mismo sa Senado sa Lungsod ng Pasay na naglipana ang mga banyaga na nag-tatrabaho sa online gaming nang walang working permit.

Aniya, kung itong mga online gaming ang tatanggalan ng incentives sa TRAIN 2 at hindi ang mga multi-national corpora-tions na milyong Filipinong­ ­manggagawa ang nakikinabang ay papabor siya rito.   VICKY CERVALES

Comments are closed.