ONLINE HIRING SUMIPA

ONLINE HIRING

ANG mabilis na urbanisasyon ang nag-udyok sa pagsipa ng online hiring sa bansa, ayon sa Monster.com.

Sinabi ni Abhijeet Mukherjee, CEO ng  Monster.com (APAC and Middle East), na nag­resulta ito sa 12 percent growth sa online hiring noong Abril at 7 percent noong Mayo 2018.

Ang paglago ay pinangunahan ng retail sector na may 23 percent growth sa online hiring noong Abril at 33 percent noong Mayo.

“Modern retail in the Philippines is growing rapidly, driven by strong economic growth and increase in purchasing power. The total retail value of the country is projected to increase to around US$94 billion by 2020,” pahayag ni Mukherjee.

“The burgeoning retail landscape also reflects urbanization in the Philippines and changing consumer lifestyle with the government setting top priority initiatives to expand logistics and infrastructure development,” dagdag pa niya.

Sa loob ng anim na buwan, sinabi ng Monster.com na ang retail sector ay nagtala rin ng pinakamatarik na paglago kumpara sa iba pang mga industriya.

Gayunman, ang BPO/ITES sector ay mu­ling nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa annual hiring activity sa 15 percent noong Abril at 11 percent noong Mayo.

Pagdating sa trabaho, sinabi ng Monster.com na ang Purchase/ Logistics/ Supply Chain professionals ay nagposte ng pinakamataas na  online demand sa occupation categories.

“Data showed that demand for Purchase/ Logistics/ Supply Chain professionals at 32 percent in April and 27 percent in May. The job role has also been registering positive growth since October 2017,” ayon pa sa Monster.com.

Bukod dito, sinabi ng Monster.com na ang pangangailangan para sa HR & Admin professionals ay patuloy na nagtala ng  double-digit growth magmula noong Enero 2018.

Gayunman, ang pangangailangan para sa Customer Service professionals ay nagposte ng pinakamala­king pagbaba at ang tanging job role na nag-poste ng negative growth, sa pagbaba sa 21 percent noong Abril at 19 percent noong Mayo.

“The strong sentiment is also reflected in job roles – nine out of the 10 job roles monitored by the Index recorded positive annual growth in online demand,” dagdag pa ng Monster.com.

“The Monster Employment Index (MEI) is a gauge of all online job posting activities in the country, recording the industries and occupations showing the highest and lowest growth in recruitment activity.” CAI ORDINARIO

Comments are closed.