ONLINE HIRING TUMAAS SA Q2

ONLINE HIRING

TUMAAS ang online hiring sa bansa ng 12 percent sa second quarter ng taon, ayon sa Monster.com.

Gayunman, sinabi ng Monster.com na sa quarterly basis, ang online hiring ay bumaba ng tatlong porsiyento.

“The Philippines had an overall solid second quarter with year-on-year growth, but couldn’t exceed or match the strong performance exhibited at the beginning of the year. However, all signs indicate a healthy second half of the year when it comes to online recruitment,” wika ng Monster.com.

Batay sa Monster Employment Index (MEI), ang retail industry  ang may pinakamalaking annual growth, habang ang Business Process Outsourcing (BPO)/Information Technology ang nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa second quarter.

Gayunman, sinabi ng Monster.com na ang pangako ng pamahalaan na tataasan ang infrastructure spending ay magpapalakas sa tsansa ng bansa na mapasigla pa ang online recruit sa second half ng taon at sa mga susunod na taon.

“The high business optimism in the Philippines of up to 82 percent in the second quarter, is a good indicator that firms remains confident about the country’s economic prospects,” dagdag pa nito.

Ito ay sa kabila ng mas mabagal na economic outlook para sa Filipinas at sa iba pang bansa sa Southeast Asia sa 2018 ng OECD.  Ang nasabing pananaw ay nag-ugat sa mahinang exports at mas mabagal na implementasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura.

“Although it may not meet the government’s (growth) targets, the Filipino economy is performing well and on a solid growth trajectory, which is reflected in a steady demand for talent and online recruitment activity,” sabi pa ng Monster.com.  CAI ORDINARIO

Comments are closed.