ONLINE LIBEL SA 32 NAGKALAT NG FAKE NEWS SA COVID-19

PNP spokesman Brig Gen Bernard Banac

CAMP CRAME-NAHAHARAP  sa kasong online libel at kasong paglabag sa anti cybercrime law ang 32 katao dahil sa pagpapakalat ng fake news patungkol sa COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, mula noong Marso 9 hanggang Abril 5, 2020 nahuli ang 32 mga indibiduwal na ito sa mga ikinasang operasyon ng PNP Anti Cybercrime Group.

Ang mga suspek na ito ay mga taga-Quezon City, Eastern Visayas, Central Visayas, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Caraga Region.

Isa naman sa suspek na taga-Zamboanga Peninsula ay patuloy pa ring hinahanap ng mga pulis.

Muli, panawagan pa rin ni Brig Gen Banac sa publiko na makipagtulungan sa PNP para mahuli ang mga taong responsable sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa COVID-19 na nagdudulot ng panic. REA SARMIENTO

Comments are closed.