ONLINE MARKETING SA NEW NORMAL

SA panahon nga­yon, kailangan nating makisabay sa uso. Dahil kung hindi, tiyak na mapag-iiwanan tayo. Hindi lamang din kapag sinabing sumabay sa uso, makikisabay ka sa mga usong damit o outfit, usong hairstyle o gupit at usong gadget. Kumbaga, maging sa larangan ng pagnene­gosyo, kailangan nating mag-level up.

Kailangang sumabay sa uso. Matindi na ngayon ang kompetisyon pagdating sa negosyo. Marami na rin kasi ang nagtatayo ng kanya-kanyang mapagkakakitaan. Kung minsan pa, iisang produkto lang o serbisyo ang inio-offer sa custo­mer. Dahil tinatangkilik na rin ng marami ang online os social media, hindi natin dapat na palampasin ang pagkakataong maga­mit ito upang maipakita at maipakilala sa publiko ang negosyong mayroon tayo—malaki man iyan o maliit, matagal man iyan o kasisimula pa lamang.

Malaki ang porsiyento ng mga Pilipino ang gumagamit ng social media. Tinatayang aabot ito sa 36 milyon. Sa bansa pa lang iyan. Kunsabagay ay naging karamay na sa pang-araw-araw nating pamumuhay ang social media. Napakarami rin kasi nating puwedeng gawin gamit ang social media. Kaya naman, tama ring gamitin ito ng bawat negosyante upang lalo pang mapalago ang kanilang negosyo at tangkilikin ito ng marami.

Sa mga nais gamitin ang social media o internet marketing upang maipakilala ang kanilang produkto at serbisyo sa nakararami, narito ang ilang simpleng tips na kailangang tandaan:

 

GUMAWA NG SOCIAL MEDIA ACCOUNT

Marami sa atin ang gumagawa ng social media account—personal man ito o para sa kanyangnegosyo. Sa totoo lang din kasi ay napakalaki ng mga taong maaari nating maabot gamit ang nasabing platform. Kaya’t kung may negosyo ka, importante ang pagkakaroon ng social media account ng maipakita at maipakilala mo sa mas nakararami ang iyong produkto o serbisyo. Mag-isip ng maganda at may dating na pangalan ng iyong online shop, ang pangalan ng iyong website o ng iyong business ay dapat mada­ling matandaan. Maaa­ring mag-setup ng sariling website ngunit kailangan pang mag-purchase ang domain. Kungwalang budget sa ganitong diskarte, madali at libreng-libre ang pagse-setup ng online shop sa social media, gumawa ng Facebook page o kaya ay Instagram account para sa iyong produkto at serbisyo, siguraduhing aktibo at updated ang mga accounts na ito. I-manage ito nang maayos at gawing personalized, enga­ging at socially communicative.

 

IPALIWANAG ANG IYONG SERBISYO AT PRODUKTO

 Ngayong handa na ang account. Alalaha­ning ang lahat ng impormasyong kailangan ay malinaw at kompleto para maintindihan kaagad ng shoppers o mamimili. Dahil hindi makikita nang personal ang mga produkto, siguraduhin ding ma­linaw at presentab­le ang mga larawan nito para mahalinang bumili ang mga tao. Ilagay rin ang kompletong description nito gayundin ang presyo.

 

ALAMIN ANG TARGET MARKET

Hindi lahat ng nasa social media ay masa­sabi nating target market natin. Kaya importante ring alamin natin kung sino-sino ba ang target natin sa ating negosyo o serbisyo. Nararapat lang din na swak sa ating negosyo at serbisyo ang magiging followers natin nang makatulong ito sa paglagong ating business.

Alamin ang target market at pag-aralan kung anong gusto at paparating na trends. O mgap rodukto at serbisyong magugustuhan at tatangkilikin ng marami. Isipin kung ano ang unique, bago at usong items nang mada­ling makabenta.

 

MAGING MADISKARTE NANG MAKAHIKAYAT NG CUSTOMER

Paano nga ba humanap at mag-attract ng customers? Mahirap nga naman ang makahalina ng customers lalo na’t napakarami na ring negosyong kagaya ng itinayo natin. Dahil marami na ang nagtatayo ng negosyo sa pa­nahon ngayon, kailangang alamin kung ano ang kanilang shopping patterns, online presence at typical search quests. Malalaman ito sapamamagitan ng pagre-research. Tingnan ang websites o pages ng mga online shop at alaminang mga nais ng mga mamimili.

 

LOGISTICS AT PAYMENT OPTIONS

 Ngayong ayos na ang iyong mga produkto, sunod namang dapat isipin ay kung paano ipadadalaang items sa mamimili. Naisip mo na ba kung anong payment options? Mag-o-offer ka ba ng cash on delivery, o meet-ups?Maraming kliyente ang gusto ng free shipping o ang pinakamurang option ng delivery. Maaaring magbigay ka ng free shipping kung marami ang bibilhin ng isang customer. Makatutulong din kung magre-research ka at magtatanong-tanong kung anong shipper o courierang mapagkakatiwalaan, mura at mabilis ang serbisyo. Sa proseso naman ng pag-o-order, siguraduhing ipa-fill up sa buyer ang form na may kompletong detal­yeng kakailanganin sa transaksyon tulad ng: complete name, shipping address, contact number at orders, gayundin ang kumpletong detalye ng online shop para sa payment process: proprietor’s name, address, contact number at account numbers na padadalhan ngbayad.

 

MAGING AKTIBO SA SOCIAL MEDIA

Importante rin si­yempre ang pagiging aktibo sa social media lalo na klung ginagamit mo ang platform na ito para magkaroon ng tatangkilik sa iyong negosyo at serbisyo. Kausapin mo sila. Sumagot ka sa mga tanong nila tungkol sa produkto at serbisyong inio-offer mo sa kanila. Sa pamamagitan kasi ng pagsagot kaagad sa tanong ng parokyano ay mabi-build mo ang inyong relasyon. Maging mabait din sa mga nagtatanong nang tangkilikin nila ang iyong produkto at serbisyo. Kasama rin kasi ang tamang pakikisama sa kliyente sa daan upang bumalik-balik ang isangcustomer. Maraming simpleng paraan upang maipakilala natin ang produkto at serbisyong inihahandog natin sa marami. At ang isa nga sa paraan diyan ay ang social media. Kaya naman, gamitin naang social media para maipakilala sa publiko ang produkto at serbisyong mayroon ka!. CHE SALUD

 

 

 

 

189 thoughts on “ONLINE MARKETING SA NEW NORMAL”

  1. ラブドール 誰もがダッチワイフに興味を持っています。 重量:特にTPE成形で作られた人形は実重量です。 YourDollのダッチワイフの利点は明らかですが、一方ではセックスライフにも当てはまります。 一方で、親密さを伝えるために高品質の等身大のダッチワイフを使用することもできるようになっています。

  2. Get warning information here. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    https://stromectolst.com/# ivermectin tablets
    drug information and news for professionals and consumers. Everything what you want to know about pills.

  3. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything what you want to know about pills.
    best ed treatment pills
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Everything information about medication.

  4. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Best and news about drug.
    canadian drug
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Read now.

  5. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Best and news about drug.
    77 canadian pharmacy
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Everything what you want to know about pills.

  6. Some trends of drugs. Long-Term Effects.
    tadalafil 5mg canada
    drug information and news for professionals and consumers. drug information and news for professionals and consumers.

Comments are closed.