TULOY-TULOY pa rin ang pagdaraos ng Simbahang Katolika ng online masses kahit pa nagdesisyon na ang Metro Manila mayors na paluwagin pa ang mga restriksiyon sa religious gatherings.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod ng ulat na napagkasunduan na ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na maaari nang payagang muli ang hanggang 50% seating capacity sa mga simbahan, alinsunod sa pag-apruba rito ng Inter-Agency Task Force (IATF).
“Yang online masses na ‘yan palagay ko hindi lang ‘yan sa kasagsagan ng pandemic gagawin and even beyond meron na talaga tayong online masses kasi meron tayong need,” ayon kay Secillano, sa isang panayam sa teleradyo.
Paliwanag pa ni Secillano, ang karamihan naman din sa mga dumadalo sa online masses ay yaong matatanda at may comorbidities, na pinapayuhan ng mga awtoridad na manatili muna sa kani-kanilang mga tahanan ngayong panahon ng pandemya.
Tiniyak din ni Secillano na kahit luwagan na ang restriksiyon ay ipagpapatuloy pa rin nila ang istriktong implementasyon ng health at safety protocols sa loob ng mga simbahan, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shields, gayundin ang social distancing, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“Kinukuha pa rin ang body temperature ng mga nagsisimba and of course, yung contact tracing napakalahaga din and then may mga foot bath pa yan. Dati na rin ginagawa namin wala munang hawakan ng kamay, pagpunas-punas sa mga imahen—the usual things hindi naman magbabago mananatili na yan,” aniya pa.
Kaugnay nito, ikinuwento ni Secillano na dati na rin namang pinayagan ang 50% seating capacity sa mga simbahan at wala namang napaulat na nahawa ng virus nang dahil sa pagdalo nila sa religious gatherings. Ana Rosario Hernandez
hello!,I love your writing so much! percentage we communicate extra about your article
on AOL? I need an expert on this house to solve my problem.
Maybe that’s you! Having a look ahead to see you.