INILUNSAD ng Department of Education (DepEd), sa pakikipagtulungan ng PLDT-Gabay Guro and Metro Pacific Investment Corporation, ang DepEd Partnership Assistance Portal (DPAP) upang palakasin ang stakeholder engagement sa mga iskwelahan.
Ayon kay Assistant Secretary for Administration Christopher Lawrence S. Arnuco, mahalaga itong hakbang upang mas maisaayos ang relasyon sa mga partners at mga iskwelahan. Sa tulong ng portal, makaaakit sila ng mga civic-minded partners sa mga darating na araw.
Laayon ng portal na abutin ang mga kumpanya o organisasyon na handing mag-adopt ng iskwelahan at tulungan sila sa kanilang mga pangangailangan.
Ang DPAP ay resulta ng pagsusumikap ng mga eksperto. Sa nasabing portal system, makakagawa ng account ang mga iskwelahan, ipo-post ang kanilang School Improvement Plan (SIP), at makahahanap ng partners na handing tumulong bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR).
Binibigyang diin ng sistema ang maraming digitized features tulad ng e-appointment para sa automatic appointment ng partners at iskwelahan, menu of investment na naglilista ng lahat ng kailangang tulong ng iskwelahan na maaaring ibigay ng partners, at partnership map na magpapakita ng partnership sa buong bansa. KNM