PASAY CITY – MAAARI nang ma-check ng overseas Filipino workers ang kanilang eligibility para sa rebate program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) gamit ang internet.
Ito ay dahil sa active na ang OWWA Rebate Portal na maaaring pasukin ng qualified members na may transaksiyon sa nasabing yunit ng pamahalaan.
Ang lahat naman ng miyembro na nasa lima hanggang sampung taon ay maaari nilang masilip ang kanilang contribution sa pamamagitan ng pagla-log in sa nasabing portal.
Kapag nai-set na ang appointment sa online portal, ite-text sa miyembro ang code nito para malaman ang appointment date ng rebate. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.