ONLINE REGISTRATION SA FINIS SWIMFEST BUKAS PA

BUKAS pa ang pagpapatala via online para sa Visayas leg ng 2022 FINIS Short Course Swimming Competition na nakatakda sa Hunyo 25-26 sa University of Saint La Salle swimming pool sa Bacolod City.

Ayon kay organizing head at FINIS Managing Director coach Vince Garcia, ang lahat ng nagnanais na lumahok na indibidwal, school teams, clubs at organization ay tinatanggap na makiisa sa torneo na bahagi ng malawakang programa ng FINIS para sa pagpapaunlad ng sports sa grassroots level.

“Online registration is still open thru Raceyaya.com. We have a successful Manila leg last March, hopefully the Visayas leg will steer surprised thriathlete as Bacolod is known as swimming hub in the region,” pahayag ni Garcia.

Pinaalalahanan din ni Garcia ang mga opisyal at coach na isama sa aplikasyon ng mga atleta ang mahahalagang impormasyon tulad ng seeding time at ipadala sa leigh_sanchez07@yahoo.comat renolddutchilla_1877@yahoo.com.

“Swimmers who participated in Manila leg can still join the competition. May chance silang makakuha ng dagdag na puntos to earn a slot for the National Finals which is tentatively set in September,” sabi ni Garcia. EDWIN ROLLON