(Online rumors ‘wag paniwalaan — BFAR) ISDA SA PH LIGTAS KAININ

WALANG katotohanan ang mga kumakalat na balita sa social media na nagbibigay babala sa publiko laban sa pagkain ng isda dahil sa medical waste na itinapon sa dagat, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa isang public service announcement, sinabi ng BFAR na, “there have been false information circulating on social media which prohibits the general public from eating fish, following an alleged dumping of medical wastes at sea, specifically a ‘tube from a hospital with human immunodeficiency virus (HIV).'”

Binigyang-diin ng ahensiya na walang katotohanan ang impormasyon sa social media posts.

Kaugnay nito ay hinikayat ng BFAR ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon na nakikita nila online at laging iberipika ang pinagmulan ng impormasyon bago i-share ang anumang social media posts.”

Ayon sa BFAR, paminsan-minsan ay nag-iisyu ito ng mga babala at nagpapatupad ng limited bans sakaling may panganib sa food safety tulad ng red tide. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA