ONLINE SABONG, APRUB NA SA PAGCOR

sabong

DAHIL kailangang-kailangan talaga ng pamahalaan ng pondo ngayong pandemya, inatasan ng Malacañang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na bigyan na ng lisensya ang ilang online sabong sites para maging legal na ang kanilang operasyon.

Ayon kay Atty. Jose Tria Gr., SVP ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR, “bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, kailangan na hindi naman naloloko o nadadaya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng license.”

“Pag may license kasi, namomonitor namin ang kanilang operasyon, galaw, at income”, ani Tria.

Napag-alaman na limang kompanya na ang nag-apply ng lisensya ngunit dalawa pa lang ang nabigyan ng “license to operate” dahil ang iba ay hindi pa nakakapagbayad ng corresponding fees at taxes.

Tanging ang Lucky 8 Star Quest Inc. ng Pitmaster Live at Belvedere Corp. pa lang ang pinayagang magpalabas ng sabong online.

“The rest na wala pang license ay huhulihin ng mga awtoridad dahil ito ay ilegal at minomonitor na ng Department of Information, Communication and Technology (DICT)”, dagdag pa ni Tria.

Ayon pa kay Tria, nakakalikom ang PAGCOR ng P100 million kada buwan sa bawat licensed online sabong company.

6 thoughts on “ONLINE SABONG, APRUB NA SA PAGCOR”

  1. 858006 593116When do you believe this Real Estate market will go back in a positive direction? Or is it still too early to tell? We are seeing plenty of housing foreclosures in Altamonte Springs Florida. What about you? Would adore to get your feedback on this. 238235

  2. 675968 314652A person essentially lend a hand to make significantly articles I may possibly state. That could be the quite very first time I frequented your internet site page and up to now? I amazed with the research you made to create this certain publish incredible. Great activity! 697779

Comments are closed.