ONLINE SCAMMERS BINALAAN NI DUTERTE

ONLINE SCAMMER

PINAG-IINGAT ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang publiko laban sa scammers na sinasamantala ang COVID-19 pandemic upang makapambiktima ng mga buyer na lumilipat sa online shopping sa pangambang mahawaan ng kinatatakutang virus.

“Do not fall for that thing , online. Nobody has perfected this thing,” pahayag ni Duterte sa isang taped briefing sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na inere Biyernes ng umaga.

Partikular na tinukoy ni Duterte ang mga nagbebenta ng face masks, na sa ilalim ng ipinatutupad na health protocol ay kailangang isuot ng ma taong lalabas ng bahay para bumili ng essential items o mag-report sa trabaho.

“’Wag kayong bumili ng mga online-online na lalo na magpadala ka ng pera, I’d like to address this to everybody.  Ang iyo dyan is, i-deliver mo, tapos tingnan  mo ‘yung maskara, kung hindi sang-ayon sa inorder mo, papasukin mo sa loob ‘yung nagdala ng mask, talian mo,” ani Duterte.

Idinagdag pa ni Duterte na, “Kung ako, iyan ang gawin ko sa inyo: talian ko iyong paa ninyo, pati kamay ninyo, saksakan ko iyong bunganga ninyo ng medyas niyong mabaho, limang araw na walang laba. Tapos talian ko ng panyo. Ihulog kita sa Pasig [River].”

Comments are closed.