BULACAN – KULONG ang dalawang drug pushers sa buy bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa bayan ng Marilao.
Sa report na ipinadala ni Acting PNP Provincial Director P/Col. Emma Libunao, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Ros Adrian Abando Mangao, 27, at Nicah Maurine Dijon, 23-anyos, live-in partner ng Estrella Homes, Brgy. Sta. Rosa 2.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, si Adrian ay kabilang sa drug watchlist ng Marilao-PNP.
Nabatid na una nang nagbenta ang mga suspek sa police asset ganap na alas-7:35 ng gabi.
Nakuha sa kanila ang siyam na piraso ng zip lock na naglalaman ng dried marijuana leaves at pitong piraso na malaking puno ng marijuana na binalot ng packaging tape na tumitimbang ng walong kilo.
Kabilang din sa nakumpiska ang tatlong bote na naglalaman ng marijuana extract oil na nagkakahalaga ng P960,000.
Modus din ng mga suspek ang online transaction and shipment sa Las Piñas at Cavite. THONY ARCENAL
Comments are closed.