ISANG private teacher si Rosalinda Caspe, 32-anyos ng Maricaban, Pasay.
Mahilig siya sa bata bagaman isang dalaga pa at ang kaniyang tinuruan ay kindergarten
Maglilimang taon na siyang nagtututuro sa isang pribadong paaralan at masaya siya, hindi lang dahil sa kita kundi sadyang gusto lang niya ang school environment.
Ang halakhak ng mga bata, ang masayang paglalaro nito at mga kabibuhan at kakulitan da mga pangangatwiran.
Iyon ang mundo ni Teacher Rosalinda at para sa kaniya, hindi niya kailangan pang lumipat ng paaralan lalo na”t mabait ang supervisor at may-ari ng school
Ngunit dumating ang pandemya.
Noong una ay hindi alintana ni Teacher Rosalinda ang biglaang lockdown noong Marso.15, 2020 dahil patapos na rin ang school year at naghahanda na lamang noon sa graduation ng kindergarten ang pinapasukang eskuwelahan.
Dahil lockdown ay naantala ang graduation ng mga tsikiting na estudyante at Hunyo na nang isagawa ang martsa subalit sa Zoom o online na lamang.
Nang marinig at makita sa computer monitor ang mga estudyante ay sumigla si Rosalinda subalit pagkatapos niyon ay tumambad na sa kanya ang katotohanan.
Hindi pa muna siya makapagtuturo dahil.pandemya pa
Dahil sa pribadong paaralan siya naka-empleyo, wala ring income.
Hindi nawalan ng pag-asa ang ating.bida at dahil may alam sa pagluluto, nagtinda siyang ulam na nakalagay sa tub.
Menudo, relyenong bangus, caldereta at laing ang specialty niya.
Magpo-post lang sa kanyang Faceboook account at may costumer na siya.
Mayroong nagugustuhan ang kaniyang laing at nagpapaluto nang maramihan sa kanya.
Gayundin ang kaniyang relyenong bangus at beef caldareta na naging patok noong katatapos na holiday.
Oktubre 2020 nang muling pinag-report si Rosalinda para magturo sa online.
Ilang beses silang nag-dry run para sa online teaching at mabilisang gumawa ng modules hango naman sa mga aklat na ginagamit sa pagtuturo sa kaniyang estudyante.
Huling linggo.ng Oktubre 2020 ay balik sa pagtuturo ang ating bida.
Masaya siyang nakikipag-ugnayan sa mga bata pero hindi katulad ng dati na mula sa 20 ay nasa sampu na lamang ang kaniyang tinuturuan sa online.
Hindi naman inihinto ni Teacher Rosalinda ang online selling dahil nabihasa na siya sa sistema.
At aminin man niya o hindi kailangan niya ring kumita para sa pamilya.
Kuwento pa ni Teacher Rosalinda, hindi man malaki ang kita pero nakatulong nang husto noong mahigpit ang galaw ng publiko.
Salamat din aniya sa ideya ng online selling at nakaraos siya at nakatulong sa mga magulang at kapatid.
Comments are closed.