ONLINE SELLER TIKLO SA P680K SHABU

CAVITE – ARESTADO ang 40-anyos na babaeng online seller makaraang makumpiskahan ng P680K halaga na shabu sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa bahagi ng Brgy. Niog 1, Bacoor City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang akusadong si Jaimeelen “Jenny” Manuel y Murcilla ng Brgy. Kaingin, Bacoor City, Cavite.

Nasamsam sa suspek ang 100 gramo na shabu na may street value na P680, 000; isang cellphone at mark money na ginamit sa anti-illegal operation.

Sa inisyal na ulat ng PNP-DEG, isinailalim sa surveillance ang suspek kaugnay sa kanyang drug trade bilang online seller kung saan nang magpositibo ay ikinasa ang drug bust operation ng pinagsanib na puwersa ng SOU4A, Bacoor CPS SDTE sa pangunguna nina Col. Julian Olonan at Capt. Jeffrey Padilla.

Nasakote ang suspek sa harapan ng SYM Motors Conrado Complex sa Aguinaldo Highway sa nabanggit na barangay kung saan isinailalim sa chemical analysis ang nasamsam na 100 gramo ng shabu. MHAR BASCO