ONLINE SELLING APPS, KINASTIGO NI TULFO

Sinermonan ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang tatlong malalaking online apps sa bansa dahil sa hindi pagsunod sa ilang batas ng Pilipinas.

Sa congressional investigation na isinagawa ng Committee on Trade and Industry sa pangu­nguna ni Cong. Ferjenel Biron, kinastigo ni Tulfo ang mga kompanyang Lazada, Shopee, at Tiktok dahil karamihan sa kanilang mga small appliances na ibinebenta ay walang Product Standard (PS) stickers.

Ayon kay Cong. Tulfo, “importante ang PS stickers kasi doon mo malaman na dumaan sa pagsusuri ang produkto na binili mo sa DTI na ito ay safe gamitin”.

“Mura ang mga items na ito dahil bukod sa galing China ay hindi sigurado ang quality. In short…peke”, dagdag pa ni Tulfo.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng kongreso matapos ilapit ng small appliance manufacturer of the Philippines, sa pangunguna ni President Carol Yao, ang talamak na bentahan ng mga peke at unsafe small appliances na galing China.

Panawagan ng grupo ang patas na laban para sa pinoy manufacturers at 300,000 empleyado nila laban sa unfair online selling ng mga dayuhang produkto ng tatlong online shops.

Sinang-ayunan naman ni Cong. Biron ang reklamo ng small appliance manufac­turers kasabay ang sabi na kailangan sumunod sa Philippine laws ang mga kumpanyang ito.

“We want to ensure that every Filipino business competes on a level playing field. Let us fight for fairness, for justice, and for the future of our industries and our people,” ayon kay Cong. Biron.

Lumabas sa nasabing pagdinig na hindi pinapatawan ng buwis ang mga produkto na ibi­nebenta sa mga lokal na mamimili sa pamamagitan ng mga online platform, alinsunod sa bagong imanufac­turers kasabay ang sabi na kailangan sumunod sa Philippine laws ang mga kumpanyang ito.

“We want to ensure that every Filipino business competes on a level playing field. Let us fight for fairness, for justice, and for the future of our industries and our people,” ayon kay Cong. Biron.

Lumabas sa nasabing pagdinig na hindi pinapatawan ng buwis ang mga produkto na ibinebenta sa mga lokal na mamimili sa pamamagitan ng mga online platform, alinsunod sa bagong ipinasa na Republic Act (RA) No. 11967.

Ang RA 11967 ay ang “Internet Transaction Act,” na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Disyembre 2023. Ayon kay Tulfo, ito ay “to protect online consumers and merchants by establishing a regulatory framework for e commerce players to adhere to specific rules and regulations on promoting competition and innovation, ensuring environmental sustainability, and safeguarding electronic transactions between sellers and buyers.”

Ang naturang inquiry ay bunsod ng House Resolution (HR) No. 1912, na inihain nina Tulfo at ng kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS Partylist na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap, at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo noong Agosto.

Ayon sa mambabatas, ang grupong ito ng mga lokal na manufacturer ng maliliit na appliances ay kumakatawan hindi lamang sa mga negosyo kundi pati na rin sa mga komunidad, dahil nagbibigay ito ng trabaho sa mahigit 300,000 manggagawang Pilipino.

Sinabi ni Tulfo na ang pagsisiyasat ng Kamara ay dapat magbigay-daan upang malaman ng mga mambabatas kung anong mga hakbang ang ginagawa ng DTI upang kontrolin ang pagbebenta ng mga imported na appliances sa mga e commerce platform, paano minomonitor ng DTI ang pagsunod ng mga produktong ibine­benta online sa mga pamantayan sa importasyon at kaligtasan.

Ayon kay Tulfo, dapat ding malaman ng mga mambabatas mula sa mga online platform tulad ng Lazada at Shopee kung paano nila sinusuri ang pagiging lehitimo ng kanilang mga offshore seller, at paano nila tinitiyak na ang mga imported na appliances na ibinebenta sa kanilang platform ay tumutugon sa ICC certification o iba pang pamantayan sa kaligtasan at kalidad.

JUNEX DORONIO