ONLINE SELLING PORTALS ISINUSULONG NA I-REGULATE AT PATAWAN NA NG BUWIS

ONLINE SELLING-5

POSIBLENG i-regulate ng gobyerno at patawan na rin ng buwis ang online selling portals sa bansa.

Ayon sa isang Partylist Representative, magiging malaking problema sa hinaharap kung ang traditional merchants na nagbaba-yad ng buwis ay lilipat sa online selling na karamihan ay hindi nagbabayad ng tax.

Paglilinaw pa ng kinatawan, hindi siya tutol sa online selling ngunit dapat ay nare-regulate ito ng gob­yerno lalo na sa pagpapa-taw ng buwis sa mga produktong ibinebenta online.

Kung pababayaan ay mauuwi ito sa pagbagsak ng tax base ng bansa.

Dahil dito maghahain ng resolusyon ang partylist representative para siyasatin kung nagbabayad ng tamang buwis ang online merchants.

Aalamin din sa imbestigasyon kung ano ang mga hakbang ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Public Standards (BPS) para matiyak ang quality at safety ng mga produktong ibinebenta online.

Comments are closed.