ONLINE SHOPPERS LOLOBO

PATULOY na mamamayagpag ang e-commerce sa Pilipinas kung saan inaasahang aabot ang bilang ng Filipino online shoppers sa 42 million pagsapit ng 2025, ayon sa pag-aaral ng Google at Temasek.

Sa naturang pag-aaral ay lumitaw na ang mga ito ay nakahandang maglabas ng kabuuang halaga na P918 billion para sa kanilang mga bibilhin sa web.

Ang naturang positibong pananaw para sa industriya ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa local retailers.

Tutulong sa pagsusulong ng mga kaganapan sa online retail space ang Department of Trade and Indus-try (DTI) sa pamamagitan ng Philippine E-Commerce Roadmap nito.

Layunin nito na mapagana ang web-based marketplace account kahit sa isang quarter ng gross domes-tic product (GDP) ng bansa pagsapit ng 2020.

Ayon sa DTI, ang e-commerce ay lalawak pa dahil kasalukuyang tinatamasa ng bansa ang pinakamabilis na paglobo ng internet users.

Sinabi pa ng ahensiya na lalo pang itutulak ng mga kabataan at ng lumalaking buying power sa Manila at iba pang lungsod sa buong bansa ang paglago nito.

“Today’s local consumers are capable of shopping anything they want at any given time—thanks to the emergence of digital technologies,” wika ni Payo CEO and Founder Ofri Kadosh. RODERICK ABAD

Comments are closed.