TUMAAS ang online stock market accounts ng 28 percent noong nakaraang taon, habang bahagyang lumakas ang trading activity mula sa segment, ayon sa Philippine Stock Exchange (PSE).
Base sa Stock Market Investor Profile Report 2017 ng PSE, ang online stock market accounts ay lumobo sa 388,864 mula sa 302,516 noong 2016. Gayunman, ang trading activity mula sa nasabing accounts ay bumubuo lamang sa 11 percent ng total trading value noong 2017, bahagyang tumaas mula sa 9 percent sa naunang taon.
Ang value turnover mula sa online accounts ay tumaas naman ng 13 percent sa P372.06 billion mula sa P329.64 billion sa 2016.
“Clearly, more and more investors now prefer to trade and invest in the stock market through online trading systems. We hope to further grow the number of stockbrokerage firms that offer online trading services so that the stock market becomes even more accessible to everyone,” wika ni PSE President and CEO Ramon S. Monzon. VG CABUAG
Comments are closed.