MAAARI na ngayong magbayad ang mga Pinoy ng kanilang buwis online gamit ang electronic fund transfer (EFT) service PESONet, ayon sa Department of Finance (DOF).
Sinabi ng DOF na ang PESONet service ay inilunsad ng attached agency nito, ang Bureau of Internal Revenue (BIR), kasama ang Land Bank of the Philippines at Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) bilang pilot participating banks.
“Under this initiative, the BIR is the first government biller institution to pilot and adopt the interoperable digital bills payment service for tax collection,” wika ni Finance Undersecretary Antonette Tionko.
Inilunsad noong November 2017, ang PESONet o ang Philippine EFT System and Operations Network, ang unang automated clearing house ng bansa.
Pinapayagan ng serbisyo na makapag-transfer ng pondo ‘digitally’ ang mga indibiduwal sa anumang bangko sa network, na magre-reflect sa parehong banking day.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ang kaganapang ito ay lalong magpapabilis sa pagne-negosyo sa bansa, na aakit naman ng maraming investments.
“The goal of the PESONet-enabled project is to set up an interoperable digital bills payment service that is safe, reliable, efficient, and will benefit a greater number of Filipinos,” aniya.
Bukod sa LandBank at RCBC, plano ng gobyerno na palawigin ang serbisyo sa iba pang local lenders.
“The success of the pilot will allow the BSP to confidently approve the expansion of this service to all inter-ested financial and commercial institutions,” aniya.