INIHAYAG kahapon ng embahada ng Amerika sa Filipinas na isang completion ceremony ang ginanap sa pagitan ng dalawang bansa para ipagdiwang ang tagumpay ng five-year, P822 million partnership na nakatulong sa paglinang sa fiscal performance ng bansa.
Nabatid na noong 2013, inilunsad ng US government, sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID), ang five-year project Facilitating Public Investment (FPI) para ayudahan ang gobyerno ng Filipinas sa layunin nitong palawakin ang public investment sa bansa.
Nakipagtuwang ang USAID sa Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), Bureau of Internal Revenue (BIR), at mga private sector at civil society organization para palaguin ang tax revenues, mapaghusay ang public expenditure management, at isulong ang mas malawak na fiscal transparency.
Sa impormasyong nakalap sa US embassy, sa loob ng limang taon sa pamamagitan ng technical assistance na ipinagkaloob sa gobyerno ng Filipinas ay tumaas ang domestic revenues nito na nagresulta sa malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa.
Sa ginanap na completion ceremony, pinapurihan ni Deputy Chief of Mission John Law ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagsisikap nito na magkaroon ng modernized online filing and payment of taxes, at binati rin nito ang ahensiya sa pagpapalakas sa online filing mula sa 8 percent sa 75 percent sa loob lamang ng limang taon.
“It is estimated that improved tax administration – which includes advancements in e-filing – has led to more than P630 billion in additional public revenues over the past five years. Additionally, targeted tax cuts for the working class and investment tax incentives for the private sector have contributed to the overall growth of the economy,” ayon sa US embassy.
Simula ngayong taon, ang mga pagbabagong ito ay inaasahang magpapalaki sa tax revenues ng bansa na tinatayang aakyat sa P90 billion taon-taon.
“The US government remains a committed partner as we journey towards our shared vision of a more prosperous, stable, and resilient Philippines,” pahayag ni Law sa nasabing pagtition.
“We look forward to building on our partnership with USAID as we work towards having a more efficient, transparent, and reliable budget system,” tugon naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno. VERLIN RUIZ