MAAARING pasukin ng mga Filipino worker na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ang mga industriya na lumalago sa mga panahong ito, ayon sa isang recruitment platform.
“The BPO (business process outsourcing) sector is a very resilient group or sector in our country because even despite the pan-demic, they continue to recruit and hire people,” pahayag ni JobStreet country manager Philip Gioca sa panayam ng CNN Philip-pines.
Ayon kay Gioca, ang BPOs ay nag-aalok ng in-demand online jobs kung saan ang mga empleyado ay maaaring mag-report on site o mula sa kanilang mga tahanan.
Dagdag pa niya, ang mga job seeker ay maaari ring sumubok sa logistics at delivery services, kung saan marami na ngayon ang umaasa sa online shopping.
Ang iba pa aniyang opsiyon ay ang online teaching, kung saan idinagdag ni Gioca na ang mga dating flight attendant ay maaaring magturo ng English dahil maaaring mayroon silang ‘good command of the language’.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) ay lumitaw na pumalo na sa mahigit 27 million Filipino adults ang wa-lang trabaho hanggang noong Hunyo.
Comments are closed.