PINAYUHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na mag-transact na lang online at huwag mag-hoard ng cash dahil kumik-ilos ang mga bangko para manatiling bukas ang kanilang mga sangay at ATMs sa loob ng isang buwang naka-lockdown ang buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Tiniyak ni BSP Governor Benjamin Diokno sa publiko na may sapat na cash ang bansa dahil ang printing plant ng central bank ay nananatiling bukas na may reduced working hours.
“There’s enough cash. There’s also a risk if you hold a lot of cash. I would suggest that to the extent they can use, if they can transact business elec-tronically then that’s better than holding cash,” wika ni Diokno.
“Banks are urged to suspend all charges imposed on the use of online banking, including those on the use of instapay and the pesonet to “enable consumers to facilitate online banking transactions,” dagdag ni Diokno.
Muling tiniyak ng mga bangko sa kanilang mga kliyente na hanggang maaari ay mananatiling bukas ang marami nilang sangay, ang ilan ay pinaikli ang oras ng operasyon.
Comments are closed.