ONLINE TRANSFER FEES IBABALIK NA SA SUSUNOD NA BUWAN

ONLINE TRANSFER FEES

SIMULA sa susunod na buwan ay magpapataw na ulit ang mga bangko sa bansa ng fees sa online transactions gamit ang Instapay.

Ayon kay BPI president and CEO Cezar Consing, na siya ring head ng Bankers Association of the Philippines, sa Oktubre ay may ilang bangko ang magsisimula nang maningil ng fees para sa online transfers.

“I think what is happening now, some banks will be charging from October 1, some banks will continue to waive fees until the end of the year. But eventually, we will have to go back to charging fees,” sabi ni Consing.

Sa InstaPay ay maaaring makapag-transfer ang banking clients ng hanggang P50,000 per transaction, na agad make-credit sa recipient’s account sa anumang local bank.

Samantala, ang money transfers sa pamamagitan ng PESONet ay walang transaction limit per day. Ang pera ay make-credit din sa recipient’s account sa parehong  banking day, batay sa cut-off time.

Ang waiver ng fees ay naunang isinagawa ng mga bangko, subalit kalaunan ay hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang lahat ng entities na nasa ilalin ng regulasyon nito na i-waive ang naturang fees upang mahimok ang publiko na gumamit ng online banking sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Comments are closed.