ONLINE VOTING PABOR ANG COMELEC

PABOR ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdaraos ng online voting sa 2025 elections para sa mga rehistradong botanteng Filipino na nasa ibang bansa.

Sinabi ito  ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na bagamat  mayroon na silang en banc resolution na naglalaman ng kanilang opinyon sa pagpabor nila sa internet voting.

Ipinaliwanag ni Garcia kay Senator Imee Marcos, na kung ipahinto ng korte ang internet voting, maaari naman magbalik sa mail-in o in-person voting.

Tinanong ng senadora si Garcia kung anong hakbang ang kanilang gagawin kung harangin ng korte ang bagong sistema sa pagboto.

Pinalinaw rin ng senadora kay Garcia ang kanilang pagkakaintindi at pagkasa sa Republic Act No. 10590 — o ang Act Providing for a System of Overseas Absentee Voting by Qualified Citizens of the Philippines Abroad.