HINDI pa huli para maipadama kay 1996 Summer Olympics silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. ang kahalagahan ng karangalan na naibigay niya sa bayan.
Nagbalik-gunita ang lahat, maging ang kabiguan ng pamahalaan at pribadong sektor na maibigay ang mga pangakong insentibo sa Olympian boxer matapos ang matagumpay na kampanya ng Team Philippines sa katatapos na Tokyo Games.
“Nung matapos kong manalo ng silver sa Atlanta Olympics, ‘yung hindi natupad ‘yung sa Congress na P2.5 million pati ‘yung sa Philippine Navy na scholarship ng dalawang anak ko. ‘Yung bahay nandiyan na pero ‘yung titulo wala pa. Nagpangako rin ng 10,000 monthly na lifetime pero isang taon lang ibinigay sa akin,” pahayag ng 47-anyos na pambato ng Bago, Negros Occidental.
Ang kaganapan ay kumurot sa puso ni Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas.
Nitong Biyernes, personal na ipinagkaloob ni Mascariñas kay Velasco ang simpleng regalo nang imbitahan ang boxing icon sa opisina ng Chooks sa Ortigas.
Sariling Chooks-to-Go store na matatagpuan sa Litex Road, Quezon City malapit sa tahanan ni Onyok sa Violago Homes, Parkwood Hills Subdivision ang kaloob ng sportsman/businessman.
“Natutuwa akong makita ang buhos ng parangal at gantimpala mula sa pamahalaan at lalo na sa pribadong sektor sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa nitong nakaraang Olympics. Ngunit may isang matagal nang pangakong tila nakalimutan na and we’d like to be part of the solution first before we join the celebration of our heroes in the Tokyo Olympics,” pahayag ni Mascariñas.
“We’re giving one Chooks-to-Go store to Onyok because as a Filipino, we owe it to him for bringing honor to our country. We are also giving him an additional P100,000 so that he can have his long-delayed honeymoon in Boracay with his wife May,” aniya.
“Pinapunta ako dito ni Sir Ronald at dalhin ko raw ‘yung medal ko. Hindi ko alam kung bakit e. ‘Yun pala eto ‘yung surprise sa akin. Kala ko nga nanalo rin ako sa Tokyo Olympics e may nagbigay sa akin ng Chooks-to-Go,” sambit ni Velasco. “Talagang store ng Chooks-to-Go talaga. Hanapbuhay talaga na hindi lang ako ang makikinabang kung hindi pati pamilya ko at mga anak ko na ma-secure sila dahil sa ibinigay sa akin.”
Bukod kay Onyok, nauna nang nabigyan ng sariling Chooks-to-Go store sina 1990 Asian Games silver medalist Benjie Paras, two-time FIBA Asia Cup silver medalist Gabe Norwood, five-time Southeast Asian Games gold medalist Kiefer Ravena, at University of the Philippines great Paul Desiderio.
Ayon kay Onyok, huli man, tunay na biyaya sa kanyang pamilya ang regalo ng Chooks-to-Go.
“Boss Ronald, talagang hulog ka po ng langit sa akin at sa buong pamilya ko dahil binigyan ninyo po ako ng kabuhayan. Sana marami pa kayong matulungan na tulad ko,” aniya. EDWIN ROLLON
606485 151985 An intriguing discussion is worth comment. I believe that you should write far more on this topic, it might not be a taboo subject but typically individuals are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 468376
442393 813747I got what you intend, saved to my bookmarks , quite decent site . 434378
201787 122555I recognize there exists a fantastic deal of spam on this blog internet site. Do you want support cleaning them up? I can aid among courses! 134504
762122 562855Aw, this was a truly good post. In concept I wish to put in writing like this furthermore ?taking time and actual effort to make an outstanding write-up?however what can I say?I procrastinate alot and by no indicates seem to get something done. 687938
28529 186558Good V I should certainly pronounce, impressed with your website. I had no trouble navigating through all tabs and related information ended up being truly easy to do to access. I recently found what I hoped for before you know it in the least. 44957
432867 548059Wonderful information several thanks sharing and reaching us your subscriber list. 453831