SA HINDI mabilang na party na ating dadaluhan ngayong holiday, kung minsan ay nawawalan tayo ng ideya sa kung ano ang mainam na isuot. Sabihin nga namang simpleng party lang ang pupuntahan, lagi’t lagi pa rin tayong nag-e-effort sa ating susuotin. Maging presentable sa paningin ng marami, iyan nga naman ang inaasam-asam natin.
Hindi man kasi natin aminin ngunit isa sa kaagad na napapansin ng marami ang outfit o damit na suot natin. Lagi’t lagi rin kasing hinuhusgahan ang isang tao sa paraan ng kanyang pananamit. Kung medyo weird siyang manamit, tingin kaagad ng marami sa kanya ay weirdo at nilalayuan siya. Kung minsan pa ay pinagtsitsismisan. Kapag naman fashionista o magandang manamit, kinatutuwaan naman at hinahangaan ng marami.
Iba-iba ang estilo ng bawat isa sa atin pagdating sa outfit o pagpili ng isusuot. Mayroong wierd man para sa ilan at mayroon namang hindi.
Gayunpaman, ano’t ano pa man ang style na trip mo, narito ang ilang tips o outfit of the day (OOTD) ngayong holiday na maaari mong subukan:
OFF-THE-SHOULDER RED SWEATER DRESS
Isa talaga sa kinahihiligan kong outfit ang off-the-shoulder, dress man iyan o pang-itaas lang. Hindi nga naman kasi nawawala ang ganda ng ganitong outfit. Swak din ito sa kahit na anong okasyon.
At dahil swak ang ganitong outfit sa kahit na anong okasyon, swak na swak din itong suotin ngayong holiday.
Kaya kung medyo nawawalan ka ng ideya o nag-iisip ka ng magandang isusuot ngayong holiday, swak ang pagsusuot ng off-the-shoulder red sweater dress. Bukod sa maganda ito ay komportable pa itong suotin.
Puwede rin naman ang oversized sweater dress.
LONG SLEEVES AT SOMBRERO
Isa pa sa napakagandang isuot ang long sleeves at sombrero. Marami nga namang puwedeng i-partner sa long sleeves. Kagaya rin ng off-shoulder dress o tops ay swak din ito sa kahit na anong panahon.
At isa pa sa mainam na idagdag sa nasabing outfit para mamukod-tangi ito ay ang sombrero.
Kaya kung walang masuot ngayong holiday, maghanap lang ng sombrero at long sleeves, may maisusuot ka na.
Hindi rin nawawala sa uso ang long sleeves at sombrero.
OVERSIZED SWEATER AT SHORTS
Mahilig ding magsuot ng shorts ang marami sa atin. Isa rin kasi ang shorts sa napakadaling isuot at ternuhan. Puwede nga naman dito ang rubber shoes at flats. Swak namang pang-itaas ang t-shirt, polo at maging ang mga oversized sweater.
Kaya kung mahilig kang mag-shorts, swak din itong suotin ngayong holiday.
SLEEVELESS AT MAXI SKIRTS
Isa rin naman sa magandang suotin sa mga party ang maxi skirts at sleeveless.
Madali lamang din itong dalhin kumpara sa gown. Puwede mo itong ternuhan ng ballet flats. Komportable rin itong suotin at magandang tingnan sa kahit na anong size ng katawan.
Kung medyo alangan kang magsuot ng gown, swak na swak na pamalit ang maxi skirts.
Masayang magtungo sa mga party at magiging mas masaya kung pinaghahandaan mo ang iyong susuotin. Dahil tiyak na lahat din ng makakasalamuha mo sa party na iyong pupuntahan, nakaayos at nakabihis.
Kaya para hindi ka ma-out of place, paghandaan mo rin ang outfit na iyong gagamitin.
Hindi naman natin kailangan pa maging fashion model o maging fashion designer para lang masabi nating maganda sa paningin ang susuotin nating outfit. Dahil lahat ng outfit ay maaari nating mapaganda sa pamamagitan ng paglalagay ng accessories.
Hindi rin naman kailangang gumastos pa tayo ng mahal para lang maging katangi-tangi sa paningin ng marami. Gamit ang sim-ple nating damit ay magiging katangi-tangi tayo. At isa sa napakasimpleng paraan diyan ay kung paano mo dadalhin ang damit mo ng maayos.
Karapatan at kaligayahan ng bawat isa sa atin kung paano tayo pipili ng maisusuot o kung anong klase o style ng damit ang trip natin. Pero siyempre, dapat ay komportable tayo sa ating isusuot ano’t ano pa mang klase o style iyan.
At higit sa lahat, iakma mo ang suot sa lugar na pupuntahan.
Ikaw anong OOTD mo ngayong holiday?
Comments are closed.