(ni CS SALUD)
OUTFIT o swak na OOTD, iyan ang isa pa sa pinaghahandaan ng marami sa atin. Kapag Pasko, kaliwa’t kanan ang dinadaluhan nating pagtitipon. Mahirap nga namang hindian ang mga imbitasyon dahil may mga magdaramdam lalo na kapag hindi napagbigyan. Isa pa, kapag ganitong holiday season lang din tayo nakapa-gliliwaliw. Ito lamang din ang panahon para makipag-bonding tayo sa ating mga kaibigan, kamag-anak at katrabaho.
Hindi nga naman masamang mag-ayos kapag holiday o sa tuwing may pupuntahang pagtitipon. Ngunit isa sa pinoproblema ng marami sa atin ay kung paano natin pipiliin ang outfit na isusuot sa naturang okasyon. Kung ano nga bang outfit ang ating susuotin nang mamukod-tangi tayo sa lahat.
Kaya naman, sa pagpili ng outfit of the day o OOTD ngayong Pasko, narito ang ilang tips na dapat isaalang-alang:
PAGIGING KOMPORTABLE
Unang-una sa kailangan nating isaisip sa pagpili ng outfit ay ang pagiging komportable nito. Hindi lamang ganda ng damit ang kailangang maging batayan upang bilhin natin ito o piliin nating isuot sa natatanging okasyon. Kailangang komportable tayo kapag suot natin ang isang outfit.
Kaya bago bumili, kilatisin ang tela at pagkakayari. May ilang damit kasi na makati at mainit kapag isinusuot.
Isukat din muna ang damit bago bilhin nang masigurong akma ito sa hugis ng katawan at bagay ito sa iyo.
PAGPILI NG SWAK NA KULAY
Isa rin sa dapat nating isaalang-alang ay ang kulay ng bibilhin nating damit. Maganda kung light colors ang bibilhin.
O kaya naman ay iyong mga damit na may magaganda o buhay na buhay ang kulay at design.
OUTFIT NA ANGKOP SA PUPUNTAHAN
Iangkop din natin sa lugar na ating pupuntahan ang damit na ating pipiliin. Huwag din nating sosobrahan ang paglalagay ng accessories para hindi naman magmukhang walking christmas tree o walking closet.
SIMPLENG DRESS WITH EYE-CATCHING ACCESSORIES
May ilang mga party na may dress code. Pero kung wala namang dress code at mas pinili mong magsuot ng simpleng dress lang, puwede mo pa rin iyang pagandahin sa pamamagitan ng pagsusuot ng eye-catching accessories o magagandang handbag.
Malaki ang naigaganda sa outfit ng isang tao ang handbag o accessories. Isa ang accessories sa nakatatawag pansin at nakadaragdag ganda sa iyong kasuotan at siyempre, sa iyo na rin.
Piliin lang ang kulay na babagay sa iyong oufit.
SKIRT AT FEMININE BLOUSE
Maaari ka rin namang magsuot ng skirt at feminine blouse. Madali lang itong suotin at dalhin. Angkop din ang outfit na ito sa kahit na anong okasyon.
Hindi rin kailangang mahal ang susuotin mong damit. Kahit mura at simple, okey lang basta’t elegante itong tingnan at bagay sa iyo.
MAXI DRESS AT BLAZER SA GABI
Kung malamig ang panahon, isa sa magandang suotin kapag maglalakwatsa ka sa gabi ay ang maxi dress na pinatungan ng blazer.
Sa kahit na anong okasyon, swak na swak ang maxi dress, pati ang blazer kaya naman tiyak na lalo mong ma-e-enjoy ang gabi.
WHITE BLOUSE AT HEELS
Isa ang heels at white blouse sa hindi nawawala sa ating mga closet. Kaya naman, kung mayroon ka nito at may lakad ka o date, puwedeng-puwede mo itong suotin.
Kahit na simple lang ang blouse mo basta’t ternuhan lang ng magandang heels, okey na okey na ang porma mo.
Isa rin ang outfit na ito sa hindi naluluma o nawawala sa uso.
FANCY FLATS AT JEANS
Marami sa atin ang nahihilig magsuot ng jeans at flats. Hindi rin pahuhuli ang outfit na ito lalo na kapag may pupuntahan tayong okasyon.
Samahan lang ang outfit na ito ng jacket at puwede ka nang rumampa kasama ang mga kaibigan.
Marami rin namang klase ng jeans at flats ang puwedeng pagpilian kaya’t siguradong magiging kakaiba ang look mo sa iba pang dadalo sa pagtitipon o okasyong pupuntahan.
OFF-SHOULDER TOP AT SCARF
Off-shoulder, maganda rin itong suotin. Marami rin ang nahihilig dito lalo na kapag pinaresan ito ng skinny jeans o tights. Bukod sa nakatatangkad ay nakapapayat pa itong tingnan. Kaya naman, swak din itong suotin kapag may lakad ang barkada o pamilya ngayong holiday season. Samahan lang ang outfit na ito ng scarf at puwede ka nang makipag-bonding sa mga kaibig-an man, kapamilya o kasamahan sa opisina.
TIPS SA PAGPILI NG SAPATOS
Importante rin siyempreng angkop ang sapatos sa isusuot nating outfit. Sa pagpili ng sapatos, hindi naman kailangang kakulay ito ng suot na outfit. Halimbawa ang kulay ng suot mong dress ay pula, puwede mong iterno rito ang silver na sapa-tos.
Isaisip din ang three color rule. Ibig sabihin, sa pagpili ng kulay ng outfit gayundin ng klase ng sapatos, kailangang hang-gang tatlong kulay lang ito at hindi sosobra nang mag-match ito.
Pumili rin ng sapatos na angkop sa okasyon.
At ang isa pang huwag na huwag mong kalilimutang dalhin sa tuwing dadalo ka sa isang kasiyahan ay ang “tiwala sa sarili”. Huwag na huwag mo iyang iiwanan sa bahay dahil sa lahat ng party, hindi nawawala iyong makatagpo ka ng mayaya-bang.
Baka naman mamaya, tumiklop ka na lang bigla. Mas maganda kung may panlaban ka. Mas okey kung kaya mong makipag-sabayan.
Mag-enjoy rin tayo sa pupuntahan nating pagtitipon. (photos mula sa christmas.365 greetings.com, musthavemom.com, thefoxandshe.com, retro-flame.com)
Comments are closed.