MULING sumipa ang presyo ng petrolyo at maging ang liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng buwan ng Hulyo.
Hindi umubra ang desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na dagdag-produksiyon para magsunod-sunod ang rollback sa presyo ng petrolyo sa Filipinas.
Narito ang tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo:
Diesel — P0.50-P0.60 kada litro; Gasolina — P0.50-P0.60 kada litro; Kerosene — P0.50-P0.60 kada litro.
Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng diesel, gasolina, at gaas.
Ayon sa mga eksperto, sa kabila ng desisyon ng OPEC ay bumaba naman ang produksiyon ng langis ng ilang bansa kaya tumaas pa rin ang presyo.
Nagpahayag naman si SEAOIL President at CEO Francis Glenn Yu kung bakit nabale-wala ang anunsiyo ng OPEC.
“There was a large draw-down in US inventories last week of over 9 million barrels. Also, market expects that US will pressure allies to impose sanctions on Iran which will offset the agreed increase in production by OPEC,” aniya.
LPG TAAS-PRESYO RIN
Nagpadagdag din ng presyo ang liquid petroleum gas (LPG) na nagsimula noong Linggo, Hulyo 1.
Ayon sa report, maglalaro sa P0.50 hanggang P1.00 kada kilo o katumbas ng P5.50 hanggang P11.00 ang dagdag-presyo sa regular na LPG tank.
Nag-anunsiyo rin ang Solane na magtataas ng P0.91/kilo sa kanilang presyo na nagsimula alas-6 ng um-aga ng Linggo
Comments are closed.