ISABELA-PANSAMANTALANG itinigil ang operasyon ng mga Huey Helecopters ng pamunuan ng Tactical Operation Groups-2 Philippine Air Force (TOG-2) PAF, hangga’t hindi pa umano natatapos ang imbestigasyon sa pagbagsak nito noong Huwebes ng gabi sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Ayon kay Col. Augusto Padua, commander ng TOG2, nais nilang tiyakin ang sanhi ng pagbagsak ng chopper na ikinasawi ng apat at ikinasugat ng isa.
Ang chopper ay nai-deliver noong 2015 sa ilalim ng modernization program ng Philippine Air Force. IRENE GONZALES
Comments are closed.