BINUKSAN muli ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang Subic Bay International Airport (SBIA) matapos ang ilang dekada mula nang ipahinto ng pamahalaan ang mga international flight sa airport na ito.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng pamahalaan upang maiwasan ang siksikan sa Ninoy Aquino Intertional Airport (NAIA), at makaiwas din ang mga pasahero sa hawaan ng COVID-19 virus.
Ang pagbubukas ng Subic Bay International Airport (SBIA) flight ay isang palatandaan na unti-unting bumabalik sa normal ang international travel ng bansa.
Ayon sa report, ang Philippine Airlines (PAL) flight mula Saudi ang kauna-unahang lumapag sa SBIA lulan ang 300 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) galing sa Saudi Arabia.
Ang PAL flight ay lalapag sana sa NAIA, ngunit dahil sa masamang panahon ay minabuti ng piloto na i-divert ang kanilang flight sa SBIA upang makaiwas sa ano mang insedente. FROILAN MORALLOS
507260 268144Oh my goodness! an superb post dude. Thanks a whole lot Even so Im experiencing dilemma with ur rss . Do not know why Struggle to register for it. Can there be any person locating identical rss problem? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 553245
935649 160982Hiya! Wonderful blog! I happen to be a everyday visitor to your website (somewhat much more like addict ) of this web site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am searching forward for more! 737523
217964 258497I genuinely treasure your piece of function, Excellent post. 989595