Pansamantalang ipinahinto ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operation ng Lingayen Airport bilang pagtalima sa selebrasyon ng All Saints’ at All Souls’ day mula Nobyembre 1 hanggang November 2.
Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na magpupunta sa Lingayen Public Cemetery para bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Ang airport ng Lingayen ay 1,634 metro ang layo sa public cemetery kayat pansamantalang ipinatigil ang operasyon upang maiwasan ang anomang peligro ng mga magsisitungo sa naturang sementeryo.
Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, nag-isyu ng Notice to Airmen (NOTAM) ang kanilang opisina para sa seguridad ng mga piloto at residente na tatawid sa runway papunta sa Lingayen Cemetry.
Dagdag pa ni Apolonio, ang pagsasara ng airport ay sa traditional practice ng Lingayen locals na nagpapalipad ng saranggola tuwing All Saints’ Day.
At nakagawian na ito ng tatlong flying school na nago-operate sa Lingayen Airport na sundin ang tradisyon ng mga naninirahan sa lugar na ito.
FROI MORALLOS