OPERASYON NG LRT PUMALYA, KABLE NAGLIYAB

LRT-1

PASAY CITY – ILANG oras nagkaaberya ang biyahe ng Light Rail Transit –Line 1 (LRT) na may rutang Roosevelt – Baclaran kanina.

Sa ulat, nagliyab ang kawad sa Libertad Station dahilan para hindi na muna daanan ang istasyon mula Gil Puyat hanggang Baclaran.

Balik operasyon na ang LRT line alas-12 ng tanghali kaya ang naging biyahe lamang ay mula Roosevelt hanggang Vito Cruz.

Paliwanag ng Light Rail Manila Corporation,  problema sa power supply ng isa sa dahilan ng aberya.

Nagkaroon din umano ng short circuit ang electrical cable na kumokonekta sa train sa Libertad Station.

Sa ipinalabas na video footage ng isang giant TV network, ipinakita ang nagliyab na kawad ng LRT sa Libertad station.

Wala naman naitalang nasugatan sa insidente dahil agad na pinababa ang mga pasahero ng ­tren.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.