DAVAO DEL NORTE –NAKARATING na sa Department of Education-Region 11 na patuloy ang operasyon ng Salugpungan schools o mga paaralan ng mga lumad.
Kaya naman nagpasiya ang DepEd-11 na kanilang iimbestigahan ang sinasabing patuloy na operasyon ng lumad school sa Salugpongan sa Davao del Norte sa gitna na rin nang inilabas na suspension order laban dito.
Una nang inihayag ni Jenielito Dodong Atillo, tagapagsalita ng DepEd-11, na kanilang iimbestigahan ang sinasabing patuloy na operasyon ng isang paaralan ng Salugpongan kahit nagpapatuloy pa ang suspension order na inilabas ng ahensiya.
Magugunitang ipinasara ang nasabing paaralan dahil wala itong permit at nagtuturo sa mga batang lumad kung paano magrebelde laban sa gobyerno.
Naniniwala naman si Atillo na tutor na lamang ang ginagawa ngayon ng ilang mga guro ng Salugpongan sa mga bata ngunit iimbestigahan pa rin ito ng binuong fact finding team ng ahensiya.
Dagdag pa ni Atillo na posibleng pinangakuan din ng Salugpongan ang mga estudyante na ipo-promote ang mga ito sa susunod na grade level sa taong 2020 dahil nagpapatuloy pa rin ang mga ito sa kanilang pagtuturo kahit na walang permit. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.