OPERASYON NG MRT NAANTALA, 2 MAINTENANCE VEHICLES NAGSALPUKAN

Unimogs

ISINISI ng Metro Rail Transit Line 3 sa aksidente  ng dalawa nilang maintenance vehicles kung bakit atrasado ang kanilang operasyon kahapon.

Sa abiso, nasangkot sa aksidente ang dalawang maintenance vehicles ng MRT-3 habang nagsasagawa ng inspeksyon kahapon ng madaling araw.

Sinabi ng MRT-3 na dalawang maintenance vehicles nila na kung tawagin ay Unimogs ang nagkabanggaan sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Sta-tions habang nagsasagawa ng maintenance sa riles.

Alas-4:20 ng mada­ling araw nang maialis sa lugar ang dalawang Unimogs na sangkot sa aksidente at agad dinala sa depot.

Sa halip na alas-4:30 ng madalingbaraw,   alas-6:15 na ng umaga nang makapag-deploy ng tren ng MRT.

Nag-deploy rin ng dagdag na augmentation buses ang LTFRB, MMDA, LTO at HPG para maasistihan ang mga pasahero.

Humingi naman ng paumanhin ang pamu­nuan ng MRT sa mga naperwisyong pasahero.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.