OPERASYON NG NBI-BACOLOD SINUSPINDE

BACOLOD- PANSAMANTALANG sinuspinde ang operasyon ng isang sangay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bacolod matapos na magpositibo sa COVID-19 ang lima nitong kawani.

Ayon sa NBI, kapwa personnel ng administrative at clearance section ang mga nagpostibo sa nasabing sakit.

Hanggang Enero 22 umano suspendido ang operasyon at muling magbubukas sa publiko ito sa Ene­ro 25, araw ng Lunes.

Sinabi naman ni Atty. Renoir Baldovino, pinuno ng NBI-Bacolod na ang mga nagpositibo ay dinala na sa quarantine facility.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa maa­ring nakasalamuha ng mga nagpositibo na nakaranas umano ng mild symptoms habang ang iba pang personnel ng nasabing sangay ng NBI na nasuri ay negatibo naman sa isinagawang swab testing.  PAUL ROLDAN

Comments are closed.