OPERASYON NG PH CONSULATE GENERAL SA JEDDAH SUSPENDIDO

Coronavirus

SAUDI ARABIA-SUSPENDIDO ang operasyon ng Philippine Consulate General sa Jeddah simula noong Hunyo 23 hanggang Hulyo 2 makaraang magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isa nilang empleyado.

Sa kanilang advisory, bukod sa empleyado at dalawa sa kanilang dating wards ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa konsulado, ang trabaho ng kanilang empleyado na nagpositibo sa COVID-19 ay nasa customer care o sangkot sa high public exposure.

Ang dalawang lalaking wards naman anila ay umuwi na ng Filipinas kamakailan.

Kabilang sa mga serbisyo ng Consulate na apektado ng kanyang temporary suspension ay ang passporting, legalization ng mga dokumento, civil registry, POLO, DSWD-SWAT, SSS, Pag-ibig at PTIC services.

Hinimok naman ng Consulate ang lahat ng mga bumisita sa opisina mula noong Hunyo 14 hanggang noong Hunyo 18 na i-monitor ang kanilang kalusugan at tumawag sa 937 kung may maranasang sintomas ng COVID-19. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.