OPERASYON NG SANTO PAPA MATAGUMPAY

NAGING matagumpay ang abdominal surgery ni Pope Francis.

Sa pahayag ng Vatican, “doing well” ang Santo Papa.

Sinabi naman ni Doctor Sergio Alfieri, ang doktor na nag-opera sa Santo Papa, na aabutin ng lima hanggang pitong araw bago tuluyan itong makarekober.

Katunayan, sinabi ng doktor na nagbiro pa ang Santo Papa nang magising matapos turukan ng general anesthetic.

Kapag tuluyan nang gumaling ang Santo Papa, wala nang limitasyon ang mga aktibidad at pagbiyahe sa ibat ibang bansa.