CAMP VICENTE LIM – NAGKASA ng Operation “Oplan Habol” ang mga kagawad ng Regional Highway Patrol Group (HPG Calabarzon) sa National Hiway, Brgy. Makiling, lungsod ng Calamba.
Target ng mga ito ang mga motorista na may sakay na menor de edad, senior citizens kabilang ang Unauthorized Persons Outside Residence (UPOR).
Pumuwesto ang pulisya sa bahagi ng boundary ng Batangas at Laguna na nasa ilalim ng control points sa pamumuno ni HPG Calabarzon Regional Chief PCol. Samson Belmonte.
Sinasabing dahil ang lalawigan ng Laguna ay nasa ilalim pa rin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), mas pinaigting pa ng mga ito ang pagbabantay sa lahat ng mga control points.
Kaakibat ng pulisya sa ikinasang operasyon ang miyembro ng Calamba City Public Office and Safety Order (POSO) at iba pang Force Multipliers.
SInita ng mga ito ang hindi APOR na sinasabing mag-aaply aniya ang mga ito ng trabaho pero hindi nila ito pinalusot dahil sa ECQ at pinabalik din ang mga ito sa Batangas.
Samantala, mahinahon naman nilang kinausap ang ilan sa mga senior citizens at iba pang may lulan na menor de edad.
Kabilang sa ininspeksiyon ng mga ito ang mga pampasaherong Bus at jeep kung nagpapatupad ng social distancing at health protocols ang mga ito.
Nakaantabay naman sa gilid ng kalsada ang lahat ng Big Bike ng HPG bilang paghahanda kung sakaling may sumubok na tumakas sa mga sisitahin agaran nila itong tutugisin at maaaresto.
Kaugnay nito, umabot sa 21 katao ang nabigyan ng mga ito ng Citation Ticket dahil sa iba’t ibang violation o ang paglabag ng mga ito sa batas. DICK GARAY
303111 587402This website is really a walk-through it truly is the information you desired relating to this and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 355673