Pinagpaplanuhan ng Ninoy Aquino International Airport-NNIC na baguhin ang operational set up sa pagitan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at Transportation Security Office (OTS) sa departure area upang masolusyunan ang problema sa ipinagbabawal na bagahe ng mga pasahero palabas ng bansa.
Upang maging maayoa ang proseso sa problemang ito, pinag-uusapan ng tatlong ahensiya na mauna muna dumaan sa Bureau of Immigration counter, bago ang final check up upang may pagkakataon ang bawat pasahero na maibigay sa kanilang mga kamag- anak ang ipinagbabawal na bagahe.
Ipinaliwanag ng NAIA na kapag nakumpiska ang mga bagaheng bawal ay hindi alam kung saan kukunin, dahil hindi malinaw ang rules and regulation ng OTS kung saan napupunta ang naiiwang bagahe.
Minsan ay nagtuturuan pa ang MIAA at OTS pagdating sa off loaded cargoes.
Anila, dapat ipaliwanag ng OTS o bigyan ng linaw ang problemang ito, dahil milyon-milyon Pilipino at dayuhan ang naging biktima.
Froilan Morallos