OPERATORS, AGRABYADO SA NO-CONTACT APPREHENSION NG LGU -LCSP

Ariel Inton

NANAWAGAN ang transport group na Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa  local government units (LGUs) partikular sa Land Transportation Office (LTO) na tugunan ang problema sa sistema ng no-contact apprehension na umiiral ngayon.

Sa ipinadalang sumbong na inilapit sa LCSP, sinabi ng founder nitong si Atty. Ariel Inton na napapanahon ng ayusin ang  sistema ng implementasyon nito.

Ani Inton, sa una ay ang ipinatutupad na mga no-contact policies ng  LGUs ay maganda ang pakay upang mahilo ang mga traffic violator.

Mas malawak aniya ang coverage, nababawasan ang korupsiyon at bawas ang face-to-face ng enforcer at motorista.

Subalit habang tumatagal napuna nito na may problema na ang no-contact apprehension kung saan hindi ang driver ang nabibigyan ng violation notice kundi ang may ari o operator ng sasakyan ang napapatawan base sa plate number.

Dito aniya umaaray ang mga operator lalo na mga taxi operator dahil sa sobrang dami ng violation slips ang natatanggap nila at kung hindi mababayaran ay apektado ang rehistro ng kanilang mga unit dahil nakaalarma ito sa LTO.

“Pero sino ba ang traffic violator – yung driver o operator? Driver dapat ang magbayad ng multa dahil siya ang violator pero malimit ay iniiwan na lamang ito ng driver dahil nga sa wala silang naibabayad na P2,000 to P3,000 na laki ng multa,” saad ni Inton.

Aniya, kawawa ang operator dahil para mairehistro ang kanyang sasakyan ay babayaran niya na lang ang penalty na dapat ay sa kanyang driver ipinapataw.

“May isang driver nga na ang iniwan na no-contact penalty ay umabot sa  44,000 pesos!  Meron naman daw siste na sabihin ang pangalan ng driver at siya ang pagbabayarin. Pero madaling itanggi ito na siya ang nagmamaneho,” paliwanag pa ni Inton.

Problema ani Inton, mas maraming pasaway na driver na binabalewala ang mga traffic violation dahil operator naman niya ang hahabulin. Kung franchise violation tulad ng overcharging ng passenger ang minumultahan ng LTFRB ay ang operator at nire-rekomenda sa LTO na i-suspend o i-revoke ang lisensya ng driver.

“Pero iba ang franchhise violation sa traffic violation – sa traffic violation, driver lang ang nag-violate at hindi ang may ari ng sasakyan. Tuloy ang magandang hangarin ng pagkakaroon ng no-contact apprehension ay napapalusutan ng mga pasaway,” dagdag pa ni Inton. BENEDICT ABAYGAR, JR.

8 thoughts on “OPERATORS, AGRABYADO SA NO-CONTACT APPREHENSION NG LGU -LCSP”

  1. 688062 482559Hey, you used to write superb, but the last couple of posts have been kinda boringK I miss your super writings. Past couple of posts are just a little out of track! come on! 639198

  2. Thanx for the effort, keep up the good work Great work, I am going to start a small Blog Engine course work using your site I hope you enjoy blogging with the popular BlogEngine.net.Thethoughts you express are really awesome. Hope you will right some more posts.

Comments are closed.