Opisina na sabit sa korapsyon, hindi bibigyan ng pondo – Yap

Eric Go Yap

Muling pinanindigan ni ACT-CIS Congressman at House Appropriations Chairman Eric Yap na muna bibigyan ng pondo sa halip ay imbestigahan muna ang mga opisina at ahensya ng pamahalaan na sabit sa korapsyon.

“Bakit bibigyan ng pondo ang isang ahensya kung ibubulsa lang din naman”? tanong ni Cong. Yap.

Aniya, “Ninanakaw ang pondo sa ahenya kasi sobra-sobra siguro”.

Paliwanag ni Yap na hindi naman aalisan ng pondo ang ahensya kundi ililipat lang yung pera sa isang departamento nito na kailangang-kailangan ng budget.

“Halimbawa dahil matindi ang korapsyon sa Bureau of Customs, imbes na bigyan ng pondo ang Intelligence Division nito, sa Computer Department na lang ibuhos ang pera para maging fully automated na ang BOC”, paliwanag pa ng mambabatas.

“Ayaw kong nasasayang ang pera ng taongbayan. E di kung nanakawin lang din, ibalik na lang sa mga taxpayers ang pera nila,” hirit pa ni Yap.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na may bahid ng korapsyon, matapos atasan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Sec. Menardo Guevarra.PMRT

Comments are closed.