BILANG pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang kalsada sa mga obstruction para lumuwag, maging ang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon gayundin ang police outpost ay tinibag.
Binaklas ang opisina ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Enforcement Unit Sector-1 station sa A. Bonifacio kanto ng Cloverleaf Bridge sa Balintawak.
Pinangunahan nina Interior secretary Eduardo Año, PNP National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Gen. Guillermo Eleazar, QCPD director Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr. at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danny Lim ang ceremonial demolition noong Biyernes
Sa gilid ng naturang traffic section station naka-impound ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM