OPISYAL NG BRGY NAG-IPON NG ARMAS INIREHAS

Loose firearms

MAGUINDANAO – KALABOSO ang isang opisyal ng barangay na nag-iimbak ng mga loose firearms at pampasabog sa lalawigang ito.

Nakilala ito na si Brgy. Kuya Chairman Victor Duran Lumao.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Arnold Santiago, naglunsad ng Oplan Paglalansag Omega ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-BARMM) sa bahay ni Lumao sa Sitio Guilaguila, Brgy. Kuya sa bayan ng South Upi.

Ang operasyon ay pinangunahan mismo ni CIDG-Maguindanao Provincial Field Unit commander Major Esmael Madin.

Bitbit ng raiding team ang inilabas na search warrant na inisyu ni Judge Angelito Rasalan, Presiding Judge ng 12 Judicial Region at saka hinalughog ang tahanan ni Lumao.

Narekober ng mga pulis sa bahay ng suspek ang isang M16 armalite rifle, isang .9mm pistol, isang kalibre .45 na pistola, mga magazine ng mga armas, mga bala at isang granada.

Inaresto rin ng CIDG-BARMM ang dalawang tauhan ni Lumao na sina Roger Manuel Angcol at Paul Lala Galang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.