QUEZON CITY – PATULOY ang pagsasagawa ng OPLAN BAKLAS Operation sa buong Metro Manila, ayon na rin sa ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP).
Mula noong Abril 30 ng 10:00 ng umaga hanggang Mayo 8, nakapagtala na ng 150,984 na binakbak na election materials mula sa talaan ng National Capital Region Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Major General Guillermo Lorenzo T. Eleazar.
Sa Northern Police District (NPD), natanggal nila ang 2,721, Eastern Police District EPD: na may 24,852, Manila Police District (MPD) na 8,705, Southern Police District (SPD) na 3,134 at ng Quezon City Police District (QCPD) na may talaang aabot sa 113,984 na mga parapernalyang inalis para sa campaigning materials.
Habang aabot sa bilang ng mga PNP Personnel na itinalaga ay 3,361, PCO: 237, PNCO: 3,124 na may Breakdown na PD: 16/113, EPD: 23/231, MPD: 18/259, SPD: 25/131 at sa QCPD: 188/2,514.
Habang ang mga election officer na tumulong at nakiisa sa mga pulisya sa pagbabaklas ay sina Atty Gaffud, Atty Vizcarra, Atty Jimenez at Atty Bonifacio para sa NPD, Atty Aceret, Atty Macaindig at Mr John Buenacruz kasama ang 6 na iba pa para sa EPD, Atty Teodoro, Atty Santiago, Mr Razona at 8 iba pa para sa MPD, Atty Villagracia, Atty Aringay kasama ang iba pang 6 para sa SPD at Atty Gayo, Atty Gonzales at 10 iba pa na kasamahan para sa QCPD. PAULA ANTOLIN