Nakahanda ang lahat ng airport sa buong bansa sa pagbubukas ng Balik Eskuwela sa taong ito.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) information officer Karen Villanda, ito ay alinsunod sa “Oplan Biyaheng Ayos” upang maging maayos ang paglalakbay ng mga estudyante at travelling public.
Kasabay nito namigay rin ang CAAP ng malasakit kits sa mga estudyanteng pasahero, at magulang sa mga airport ng Zamboanga, Butuan, Surigao, Siargao, Tacloban, Catarman, Calbayog, Borongan, Pagadian at Dipolog.
Ang malasakit kits ay kinabibilangan ng school supply, katulad ng notebooks, ball pen, snacks, at sanitizers.
Froilan Morallos