AARANGKADA na ang “Oplan Bihayeng Ayos “ ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bilang pagsunod sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr), at antisipasyon sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan na magsisiuwi sa kani-kanilang mga probinsiya sa undas.
Ayon sa pahayag ng CAAP ang naturang kautusan ay magsisimula sa darating na Oktubre 25 hanggang Nobyembre 4, ito ay ang All Saints Day at All Souls Day.
Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Undas 2019, magtatalaga ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng karagdagan security measures upang masiguro ang seguridad, reliable, at convenient operations sa lahat ng 42 commercial airports sa bansa.
Ang lahat ng 12 CAAP area centers sa iba’t ibang lugar sa bansa ay nasa ilalim ng pamumuno ng 42 CAAP airport area manager, kung saan magpapatupad din ng “No leave and day off policy” habang nananatili ang naturang kautusan.
Nakipag-ugnayan na rin ang CAAP sa mga tauhan ng Office for Transport Security (OTS) para maging maayos ang baggage screenings kaagapay ang PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP) para sa seguridad ng mga pasahero.
Nakipag-coordinate din ang mga ito sa mga airline para sa efficient processing ng mga pasahero lalo na sa check-in counters, kasabay ring ipinagbigay alam sa mga pasahero na iwasan na magdala ng mga prohibited item sa airport.
Samantala, kasabay na ilulunsad ng CAAP ang “Malasakit Help Desk” sa mga airport na siyang magsisilbing one-stop-shop upang makatulong sa mga pasahero. FROI MORALLOS
Comments are closed.