INAASAHAN ang pagdagsa ng pasaherong bakasyunista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa darating na Holy Week ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal.
Sa kanyang isinagawang ocular inspection sa apat na airport, ipinag-utos nito ang seguridad ng mga pasahero sa ilalim ng revival “Oplan Biyaheng Ayos Semana Santa, sa taong ito.
Matatandaan noong Marso 25 hanggang Abril 5, 2019, umabot sa 893,322 international passengers ang naitala ng kanilang opisina sa loob ng mga buwan na ito.
Sa naturang bilang,445,008 ang kabuuan bilang ng arrival at 448,314 ang umalis palabas ng bansa, ngunit noong Marso 25 hanggang sa buwan ng Abril 5, 2020, bumaba ito dahil sa pandemic.
Batay sa record, umabot lamang sa 17,428 ang kabuuang bilang ng mga dumating galing sa ibang bansa.
Bilang paghahanda sa Oplan Biyaheng Semana Santa, nagtalaga ng karagdagang mga tauhan ang MIAA sa mga airport upang tugunan at mabantayan ang kapaligiran, gayon din ang seguridad ng mga magtutungo sa mga paliparan. Froilan Morallos