INILUNSAD kahapon ng pamunuan ng Makati City police ang “Oplan Clean Rider” na bahagi ng mahigpit na kampanya kontra motorcycle riding in tandem criminals.
Alas-8:15 kahapon ng umaga ay pinangunahan ng hepe ng Makati City Police na si Police Sr. Supt. Rogelio Simon ang paglulunsad ng programang “Oplan Clean Rider Program” na isinagawa sa tanggapan ng naturang himpilan ng pulisya.
Bukod sa mga pulis na nakatalaga sa naturang lungsod, ang naturang proyekto ay dinaluhan din ng Makati Riders Group.
Sa pahayag ni Simon, ang “Oplan Clean Rider Program” ay binuo upang resolbahan ang problema kontra sa mga riding in tandem criminal at masolusyunan ang problema sa kriminalidad na gamit ang motorsiklo.
Ayon pa rin kay Simon, ang programang ito ay kanilang oobligahin ang mga may-ari ng mga motorsiklo na isumite sa kanila ang resibo ng binili nilang motorsiklo o certification of registration, driver’s license at government-issued identification card. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.