OPLAN DOUBLE BARREL NG PNP PINAREREPASO

IPINAG-UTOS ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagrepaso sa anti-illegal drug na Oplan Double Barrel.

Kasunod ito ng hakbang na magpapatupad  ng bagong estratehiya sa paglaban ng illegal drug.

Nais din ng PNP chief na paigtingin ang kanilang recalibrated anti-illegal drugs campaign subalit walang pagdanak ng dugo at maiwasan na mayroong mamatay sa operasyon.

Sinabi ng PNP Chief na ang comprehensive review sa Oplan Double Barrel ay para matukoy ang lakas at kahinaan nito at kung malaman kung naging epektibo nga ba ito base sa mga nakalipas na operasyon.

Kaugnay nito, bubuo na rin ng review panel na magsasagawa ng assessment sa Double Barrel.

Pangungunahan ito ng Office of the Deputy Chief, PNP for Operations at may mga kinatawan ng PNP Quad Staff, kasama ang Operations, Investigation, Intelligence, at Police Community Relations gayundin ang Internal Affairs Service at PNP Human Rights Office.

EUNICE CELARIO